Kaakibat ng pangangalaga ang pagmamahal upang maging mas mabisa ito. Importante ang pagmamahal tungo sa mas epektibong pangangalaga, lalo na sa ating kalikasan at wika.
Sa pangangalaga ng ating wika, kailangan natin itong mahalin at maipapakita natin ito sa pamamagitan ng paggamit nito. Dapat nating ipagmalaki ang yaman at gandang taglay ng ating wika. Gamitin, tangkilikin at ipagmalaki natin ang ating wika upang mapangalagaan ito. Pagyamanin at ikonserba natin ang kalikasan upang ito ay ating mapanagalagaan. Hindi dapat natin ito sirain upang may magamit pang yaman ang mga susunod ng henerasyon ng sangkatauhan.
Tayo ang inatasan ng Diyos upang pangalagaan ang kalikasan at ang ating sariling wika kung kaya ay dapat natin itong alagaan sa pamamagitan ng pagmamahal sa mga ito.
hi!!! I have read your post and this was nice and interesting....
ReplyDeleteI was so inspired to your opinions about our Philippine languages.
ReplyDeleteits an impressive post you've got here.keep up the good job
ReplyDelete